March 28, 2010

Para sa Minamahal Kong Mga Kapwa-guro

Posted in Philippine Education at 6:53 am by voltairevizconde

Nang malaman kong iniwan na tayo ng bansang Botswana’t bilang mga bansang nananatiling apat na taon ang sekondaryang edukasyon, talagang napanghinaan ako ng loob.  Bago ang lahat ay lilinawin kong hindi ko minamaliit ang nasabing bansa.  Ganuon na ba kalalim ang problema ng edukasyon sa bansa’t maging ang isang bansa sa Southern Africa’y napag-iwanan na tayo?

Hindi bago sa akin ang mga naririnig ko sa balita tuwing gabi, “Nangingibang-bansa ang ang mga guro bilang mga kasambahay”, “ZTE Broadband deal na halos muntik na maipatupad”, “Mga pasilyo’t hagdan na ginagawang silid-aralan”, “kakarampot na budget na nilalaan sa mga mag-aaral”.  Ako’y isang produkto ng pampublikong paaralan mula elementarya hanggang hayskul, naranasan kong makipagsiksikan sa masisikip na pasilyo ng aming paaralan dahil sa wala ng bakanteng silid-aralan na mapwestuhan.  Ang aking nanay, na buong pusong naglingkod bilang isang pampublikong guro sa Mababang Paaralan ng Bagbag sa loob ng dalawampu’t limang taon ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa ngayon dahil na rin kalagayan ng mga guro dito sa bansa.  Nang minsa’y nagkaroon ng maliit na diskusyon sa aming tahanan, ipinipilit ng aking nakababatang pinsan na babae na siya’y kukuha ng kursong edukasyon at balak magturo.  Agad siyang sinagot ng aming auntie na siyang nagpapaaral sa kanya “ Naku tumigil ka Joanna, baka mamaya may trabaho ka na, ako pa din ang magpapakain sa’yo”, parang isang kutsilyong tumarak sa aking dibdib ang mga katagang iyon.  Ganun na lamang ba kababa ang tingin nila sa propesyon na ito? Hindi ko alam kung bakit naging ganun kasakit sa akin ang marinig mula sa aking sariling tita, na may dalawang kapatid na guro, at isang pamangking kumukuha ng kursong “education” (walang iba kundi ako). Hindi ba nila naisip kung anong pagod, hirap at sakripisyo ang ibinibigay nating mga guro sa ating mga estudyante?  Sa bagay, hindi ko siya masisisi pagkat ito ang imahe ng isang guro na binubuo mismo ng Kagawaran ng Edukasyon.  Isang micro-representasyon ng pamahalaan ang departamento ng edukasyon, at isa sa mga malaking pagkakatulad nila ay ang malalim na problema nito sa korapsyon.  Hindi maitatatwang isa ang Department of Education sa mga pinaka “corrupt” na departamento ng pamahalaan.  At dito nag-uugat lahat ng problema ng edukasyon.  Hindi nakakarating sa dapat papuntahan ang pondo, kaya ang kinahihinatnan, kulang kulang na libro, mga depektibong pasilidad, kakulangan sa silid-aralan at higit sa lahat kulang na benepisyo sa mga guro.  Ang malaking tanong ay kung kanino nga ba manggagaling ang pagbabago isinisigaw nating lahat? Sa pamahalaan ba? Sa kasalukuyang secretary? O sa ating mga guro? Wala akong tutol na malaki ang nagiging impluwensya ng mga opisyal na nasa katungkulan, sila ang bumabalangkas ng gastusin, gumagawa ng mga programa, at nagpapatupad nito.  Ngunit sa kabilang banda, hindi maaaring ikubli ang lakas ng pwestong hinahawakan nating mga guro.  Tayo ang direktang humaharap sa mga kliyente ng DepEd, ang mga mag-aaral. Hindi mapapantayan ang pwestong pinanghahawakan nating mga guro, kapangyarihang pwedeng makapagbago ng kasalukuyang estado ng ating edukasyon.  Hindi man biglaan, di ako nawawalan ng pag-asa na makakamit natin ito.

– Voltaire Vizconde

1 Comment »

  1. JM said,

    Ayos ang iyong pangwakas. Tama ka, tayo nga ang humahaharap sa mga kliyente ng DepEd araw-araw kaya naman mahalaga ang impluwensiya natin sa kanila.

    Sana mas tumaas ang tingin sa mga guro tulad natin upang mas maging EMPOWERED tayo kumilos at lumaban para sa kniabukasan ng ating mga estudyante at maging ng ating bansa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: