March 27, 2010

DKP!

Posted in Philippine Education at 5:24 pm by totoyguro

Limang Bagay na dapat gawin para magkaroon ng matinong Philippine Educational System

  1. Huwag salubungin ang mga pasahero sa MRT. Dahil katulad ng sabi ng driver, “Hindi natin sila kamag-anak.”
  2. Maniwala sa kasabihang ; HUWAG TUMAWID NAKAMAMATAY
  3. Tanggapin na may mga bakla sa mundo.
  4. Sabihin DKP kaysa na OMG. Gamitin ito sa pangungusap Hindi ba astig? Alam mo ba nanalo ako sa Lotto! DKP! DKP!
  5. Tama na ang pagpuna sa suso ng ating pangulo.

Anong kinalaman ng mga ito sa Edukasyon sa bansa?

Una: Disiplina. Ang mga Pilipino sa MRT naguunahan. Wala tayong konsepto ng matanda, buntis, bata. Mangudngod ka man walang pakialamanan basta makasakay sa tren. Painitan pa ng ulo. Nanulak na nga malakas pa ang loob mag-taray.

Ganito rin sa Edukasyon. Unahan sa pagkamit ng tagumpay, mapa-diploma man o perang kinikita. Magkatrabaho lang wala ng pakialam tungkol sa mga iba pang mahahalagang bagay na sanay natutunan nila sa higit kumulang labing-apat na taong pag-aaral tulad ng critical thinking at innovation.

Buti na lang may mga taong kahit naitulak na at nasaktan di pa rin nagsusungit. Minsanmay naitualak na dilag at tinanong siya ng nobyo niya, “Hon, ok ka lang?” Sagot niya:

Basta nariyan ka, ok lang ako (sabay yakap) (kinilig naman ako).

Ikalawa: Respect. hindi marunong rumespeto ng patakaran ang mga Pilipino. Sinabihan na ngang nakamamatay ang pagtawid, sige pa rin sa pag-pandanggo sa kotse. Hindi na pinahalagahan ang buhay.

Parang sa edukasyon, sinabi na nga ng mga eksperto ng edukasyon na ito ang makabubuti para sa karamihan, sige pa rin ng sige sa paggawa ng mga batas na walang inisip kung hindi mga paraan upang kumita ng pera at hindi ang kapakanan ng mga mag-aaral na silang kinabukasan ng bayan na ito. Hindi tayo marunong rumespeto sa mga kinauukulan. Sabagay kahit naman ang mga kinauukulan walang tunay na respeto sa mga eksperto sa iba’t ibang larangan.

Ikatlo: Open Mindedness. may mga bakla sa mundo at hindi na sila mawawala kaya dapat tanggapin ang ideya na ito. Nililinaw ko lang na hindi ko kayo pinipilit na tanggapin ang mga bading kung hindi tanggapin lamang ang ideya na mayroong mga bading.

Parang sa edukasyon. Buksan ang mga isipan. Walang iisang paraan upang matuto.Maraming maaring subukan. Huwag basta basta gayahin ang sistema ng ibang bansa sapagkat hindi nangangahulugang ang isang magandang sistema ng ibang bansa ay magiging  makabuluhan para sa ating magkakababayan.

Ika-apat: Self-identity. DKP! DKP!  Hindi Ingles ang kasagutan sa kahirapan! DKP! DKP!

Hindi Ingles ang basehan ng karunungan at katalinuhan. Hindi sa iisang wika nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Panahon na para bigyang halaga ang konsepto ng pagiging Pilipino gaano man kahirap ipaliwanag. Panahon na para unawaain na ang bawat kultura, bawat indibidwal, bawat tao, ay may kani-kaniyang pangangaialangan sa edukasyon.

Ika-lima: Accoutability. Tantanan na ang suso at sukat ng taas ng pangulo.

Parang sa edukasyon, sisi tayo ng sisi sa burokrasya ng Kagwaran ng Edukasyon. Subukan naman nating tignan ang ating mga sarili at isiping mabuti kung paano tayo magiging mas epektibong mga guro o mag-aaral. Naghihirap ang Pinoy hindi dahil may mga abusong makapangyarihan kung hindi dahil sa pagtuturuan at katamaran magsimulang kumilos. Matatanda na tayo, aminin naman natin ang ating mga pagkukulang.

Kung mayroon man isang tumatak sa akin mula sa EDUC 100: Philippine Educational System, iyon ay noong minsan akong pinaalalahanan ng isang tagapagsalita na dapat kong paghiwalayin ang aking konsepto ng imposible at ng mahirap

Never equate the difficult with the impossible.

Kaya naman , hindi ko na sasayangin pa ang panahon sa pagpuna ng mga mali sa ating sistemang pangedukasyon. Sa halip, tutularan ko si James sa librong James and the Giant Peach ng magaling na manunulat na si Roald Dahl kung saan sinabi niyang:

Those buildings, these lights, this whole city! Somebody had to dream about it first…

Magsisimula na akong mangarap para sa ating edukasyon. Magsisimula na akong kumilos para mas lumapit sa realidad ang mga pangarap na ito. Marami pa akong dapat pangarapin at gawin. At kung hindi man mangyari ang akong pangarap para sa mga bata ng bansang ito, hindi ako mawawalan ng pagaasa at mangngarap na may magpapatuloy sa pagnanais na makamit ang isang magandang sistema ng eduakasyon para sa lahat ng Pilipino.

DKP! Masaya to! DKP!

11 Comments »

  1. asturingan said,

    DKP!😀

    Sumasang-ayon ako sa mga nabanggit mo.🙂 Marami talagang dapat gawin at hindi lamang sa iisang tao o ahensya nakasalalay ang pagtino ng ating educational system. Lahat tayo ay may responsibilidad at nararapat lang na gawin natin ang mga ito. ^^

    Btw, natawa ako sa MRT quote.😄

    • misterpedagog said,

      exactly🙂 kaya dapat pagbutihan natin at hindi pwedeng MEDIOCRE teachers lang

  2. lorlorloryourboat said,

    Kuya JM! Natuwa ako sa sinulat mo, very simple and straight to the point. Yung mga nabanggit mo ay values na dapat matutunan at isapuso nating mga Pilipino so I guess tama si Ate Marie nung sinabi nyang kailangan natin ng Moral Revolution. (Sana tama pagkakatanda ko sa sinabi niya. Ate Marie!!! Tama ba? Haha) Dahil sa tingin ko, nagsisimula talaga sa sarili ang pagbabago. Feeling ko di na marunong mangelam ang mga tao ngayon. Kanya-kanya, sari-sariling plano para i-angat ang sarili sabay nantatapak ng kapwa.

    Although nalilito rin ako kasi gusto kong sabihin na we Filipinos are caught up because we keep bringing our past (as in yung pagsakop satin, pag-alipusta, etc.) with us as if it’s the only thing that makes us Filipino. Tignan mo nga naman, may demokraysa raw sa Pilipinas pero patuloy pa rin naman tayong gamay ng dayuhan. On the other hand, we have issues (politikal man o bukod dun) we are unable to solve because that’s how Filipinos are–forgetful. Case(s) in point: Hello Garci, C5 at Tiyaga, and Erap’s impeachment. Para bang limot na agad ng sambayanang Pilipino ang katiwaliang naganap. Or hindi lang ba talaga tayo mapanuring bayan? Sanay sa kung ano ang pinapakita ng media? (Masyado na yata malayo ang narating ng mga sinasabi ko…pasensya na sa random thoughts hehe.)

    Kairita lang yung sa MRT. One ride makes you realize how fucked up our values have been. Nakakasuka. Pero wala naman tayong choice kundi sumakay dahil pinakamabilis itong mode of transportation patungo sa ating patutunguhan. That analysis, I guess is applicable to how we can solve the problems we are facing, especially in our fucked up education system. As we talked about in class, siguro nga kailangang pagdaanan muna ang nakakasukang sistema dahil wala naman tayong choice. Pero darating din naman tayo sa patutunguhan–sa inaasam-asam na pagbabago. But in between, we are left with a choice whether we change the system or not. It’s all up to us.🙂

  3. JM said,

    🙂 nice points @lorlorloryourboat Si marie nga nagsabi nun

  4. joanmallari said,

    very interesting blog entry! couldn’t say more.. i agree with what you’ve written in your blog. the fact that we constitute this kind of attitude really resembles our action. also, in the open-mindedness part, i can relate..🙂

  5. hahaha.. isa lang ang masasabi ko sa blog na ito.. EKSAKTO! Napasadahan ni JM lahat ng pinakaimportanteng salik na kinakailangan pang pag-ibayuhin ng bawat Pinoy kung tunay ang kagustuhan natin ng pagbabago, di lamang sa ating edukasyon, kundi pati na rin sa ating mga sarili. Sa palagay ko’y sobra-sobra na ang mga binalangkas na batas at programa ukol sa ikauunlad ng kalagayan ng Edukasyon. EFA, PCER, EDCOM, BESRA… anu pa nga ba ang kasunod? Araw-araw nating naririnig sa mga balita ang kabulukan ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas, mga kurakot na opisyal, papoging kalihim, ma-anomalyang transaksyong ZTE Broadband Deal, DIYOS KO PO! di maiiwasang uminit ang ating ulo’t mainis.. Pero ganun pa man, na tayong makisabay sa sisihan, KUMILOS na lang tayo ( isa sa mga mahalagang bagay na natutunan ko sa pagiging fratman ). Di tayo nag-aaral sa basta bastang college mga kaibigan, nasa UP tayo, paglabas natin ng unibersidad, di maiiwasang tingalain tayo’t gawing modelo ng mga magiging kapwa guro’t mag-aaral. Sana’y gamitin natin ito di upang magmalaki kundi upang maging inspirasyon sa iba… yun lng po.. I TENK YOU.. BOW…

    • JM said,

      sakto tsong
      nakakapang-init ng ulo pero dapat wag mawalan ng pagasa

  6. Carmela said,

    Kuya JM! Your blog entry is very entertaining and informative! Sobrang nag-enjoy ako basahin. I agree that those values are what we need for a better educational system. I was also struck when Sir Azurin said that difficulty is never equal to impossibility. Changing the system to a better one make take a lot of time and effort. It wouldn’t be easy but if we put our heart into it and if we have faith then it will be possible🙂

    • misterpedagog said,

      hehehe . Sir Azurin pala pagpasensyahan mo na at late na naman ako noong panahon na iyon🙂

      Sabi rin sakin ni Prof. Duka-Pante: Accept reality but keep your ideals

  7. padabaako said,

    Ang sarap basahin ng blog mo JM. Parang minulat nito ang natutulog na imahinasyon ko; tulad sa pagmulat ng Educ 100 sa akin sa maraming bagay sa edukasyon. DKP? DKP? (halakhak ng malakas) hindi ko kaagad nakuha ang kahulugan nito; OMG kasi para sa akin ay Oh My Gosh. Dahil dito naisip ko na, sa pagpapatupad ng pagbabago, may mararanasan talagang hindi pagkakaintindihan pero kailangan lang ng masusing pag-aaral at pag-intindi sa mga bagong bagay. Masasaan pa’t mauunawan mo rin ito,tulad ng pagka-unawa ko na ang DKP pala ay Diyos Ko Po. At di maglalaon, mapapagtanto mo na mas nakakaaliw palang sabihin ang DKP. Kailangan lang ng bukas na isipan at ang pagbaon sa salitang IMPOSIBLE.

    Isa pa pala, parang sa ginawa mo JM, you equated the social and political issues with the educational issues. At lahat ng values na binanggit mo ay swak din para maayos ang problema natin sa gobyerno at sa lipunan.

    • misterpedagog said,

      salamat ng marami padabaako🙂
      DKP talaga sa dami ng problema pero hindi talaga tayo pwede mawalan ng pag-aasa

      NO to MEDIOCRITY🙂 para mas marami tayo magawa


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: