March 25, 2010

Kim Franco – Posible Kahit Imposible

Posted in Philippine Education at 6:26 pm by kbfranco

Nagugulumihanan. Sumusuko. Umaayaw. Nasusuka. Naaasar. Nagagalit. Samu’t sari na nga ang ating nararamdaman at naiisip na mga Pilipino sa ating bansa. Tila ba wala na ngang kapag-a-pag-asa ang Pilipinas nating mahal. Eh ano nga ba talaga ang problema? Sabi ng iba korapsyon, ang iba naman ay kahirapan, at ang iba din ay nagsasabing problema sa Edukasyon, at ang iba naman ay nagsasabi ng kolonisasyon. Alin sa mga ito ang pinakaproblema? Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, at ang problematikong kalagayan nito ay hindi maaaring talakayin ng nag-iisa, dahil kaugnay nito ang lahat ng problema mayroon ngayon ang Pilipinas.
Hindi natin maikakahon sa iisang sagot lang ang problema ng Pilipinas. Dahil isang espesyal na bansa ang Pilipinas. Espesyal ang ating kasaysayan, ang ating kalagayan, at ang kakayanan ng mga Pilipino. Kung kaya masalimuot ang dapat gawing pagbabago sa kung paano natin ibabaling sa direksyon ng pag-unlad ng buong mamamayang Pilipino, ang ating bansa. Isa sa mga problema ay ang pagtuon lamang sa pag-unlad, ngunit hindi naman tinitignan kung kaninong pag-unlad ang tinutukoy. Kalimitan, gaya ng nangyayari sa kasalukuyan, tunguhin nga daw ay pag-unlad, ngunit pag-unlad lang pala ng mga kaalyado, mga dayuhan, at iba pang mga mayayaman na nakikinabang sa mapaniil na sistema na mayroon ngayon ang ating bansa.
Minsan ko na rin tinangkang sisihin ang lahat-lahat sa ating Gobyerno, sa ating mga opisyal, sa lahat-lahat sa kanila. Naging masyado akong negatibo at laging nagdududa sa bawat kilos ng pangulo, at ng iba pang opisyal basta related sa Government. Pero nakakapagod din palang maging negatibo. Nakakapagod manisi, lalo na kung pakiramdam ko ay parang helpless ng sitwasyong kinapapalooban ko. Kung kaya ang dapat ay balanse, patas. Dahil kung hindi din tayo magiging patas mismo sa ating mga sarili, sa pagtingin sa positibo at sa negatibo, mas makakadagdag pa ito sa problema ng bansa.
Bilang isang estudyante, nararamdan ko din ang mga hinaing at mga concern ng ibang mga kapwa ko estudyante. Ayoko din TOFI, ayoko ng sirang upuan sa classroom, at lalong ayoko ng gurong walang tinuturo. Pero bakit lahat ng ito ay nangyayari ngayon at mayroon ngayon sa ating sistema ng Edukasyon? Kung tutuusin mapalad pa talaga tayo na nakarating sa kolehiyo, dahil napakadami ngayong kabataan ang gustong-gustong makapag-aral pero hindi makapag-aral. Ang lahat ng ito ay resulta lamang ng dugtong-dugtong na problema ng Pilipinas. Sabi din ng iba, hindi na rin masasabing edukasyon ang susi sa kahirapan, di katulad ng paniniwala noon. Dahil sa ngayon, kahit makatapos ka o hindi sa kolehiyo, wala namang sapat at naaangkop na trabaho para sa iyo. Ang mga guro natin, nagiging care giver sa ibang bansa. Ang mga doctor natin, nagiging nurse. Ang mga engineer nagiging factory worker. Mabuti pa nga ang mga boksingero gaya ni Pacman kaysa sa isang nakagraduate ng kolehiyo. Si Pacman may milyones na, kahit hindi pa graduate ng college, pero itong isang nakagraduate na’t lahat, hanggang ngayon nakatambay pa rin dahil sa walang mahanap na angkop na trabaho dito sa Pilipinas. Bayani daw ang mga OFW dahil sa remittances ng mga ito para sa Foreign exchange, eh first of all, bakit ba kailangan pang sa ibang bansa maghanap ng trabaho, kung meron talagang trabaho ang mga graduate natin sa bansa? Kung iisa-isahin nga naman talaga natin ang problema ng edukasyon, kulang ang isang upuan, para ito ay matalakay lahat.
Ngayon, ano na gagawin natin sa kalagayang ito? Patuloy tayong magngingitngit sa Gobyerno? Sisihin sila? Maging pasaway dahil pasaway din ang mga opisyal natin? O suko na tayo? Ang sagot: Hindi. Sila man ay may pagkukulang at maraming pagkakamali, tayo din may pagkakamali, mas malaki pa nga. Bakit? Dahil hinayaan natin itong mangyari. Hinayaan natin sila na gawin ang mga ganitong bagay. Kung tayo lang ay magiging isang balanseng mapanuri, at magdedesisyon talaga na paunlarin ang buong Pilipinas, uunlad tayo bilang isang bansa. Hindi sa Gobyerno nakasalalay, kahit na malaki ang kanilang dapat kontribusyon, kundi sa ating mga mamamayan, mapa-ordinaryo man o mapamayaman, nakabase ang ikauunlad ng ating bansa. Magsama-sama. Magrespetuhan. Maging malikhain.
Kung ganito mangyayari, walang duda, bagong Pilipinas ang ating makikita, isang maunlad at masaganang bansa para sa bawat Pilipino!
Mahirap? Imposible?
Ang sagot: Oo mahirap, at parang imposible. Pero gagawin natin posible ang imposible, kakayanin ang di kaya, at lahat ng ito ay sa biyaya ng Panginoon!

6 Comments »

  1. milet2003 said,

    Ang pangunahing export ng ating bansa ay manpower at ang direksyon ng mga karera sa paaralan at ng mga mag aaral ay para matugunan ang pangangailangan sa sektor na ito at maging ng kanilang sariling pangangailangan. Maaari nating sisihin ang kahirapan o ano pa mang dahilan, ngunit ito ang umiiral na katotohanan.

    Sang ayon ako na si Pacman nga ay hinid nakatapos pa ng pag aaral ngunit bilyonaryo na. Ngunit sa kabila nito ay hindi nya magamit ang kanyang yaman upang magkaroon siya ng talino at karanasan na galing sa paaralan o lugar na pwede siyang matuto. Idolo ko si Pacman. Iyon lamang ay kung tutuusin din, may ilang bagay na maswerte din tayo kesa sa kanya o sa ibang tao dahil tayo at nabiyayaan ng pagkakataon na makapag aral. Gamitin natin ito upang gumanda ang kinabukasan natin at ng bansa. Mahirap ngunit hindi imposible!

  2. stwepi said,

    AGREE! Una sa lahat, dapat mahalin muna natin ang ating bansa–at ang lahat ay susunod. Kailangang balanse ang pagtingin sa lahat ng aspeto ng buhay.

    Tama yan. Mahirap, oo, pero kaya.

  3. nicc12 said,

    Sumasangayon ako na di dapat natin sisihin lang ang gobyerno dahil may pagkakamali rin tayo. Subalit sila din ay dapat makisama sa pag-uunlad. Tayo at sila ay dapat magtulungan upang umangkat ang edukasyon ng ating bansang Pilipinas.

    Cuevas, Nicole
    2009-12329

  4. lorlorloryourboat said,

    Sana lahat ng Pilipino ay nag-iisip na may pag-asa pa ang bayan, na dapat maging bahagi sila ng pag-unlad nito para sa kanila mismo magsimula ang pagbabago.🙂

  5. sublimesunshine said,

    Tama. Hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa na makakamit natin ang kaunlaran at pagbabago. Hindi dapat lahat ay i-asa natin sa iba. Dapat ay manguna tayo sa pagbabago na nais nating makita. Gaya nga ng sabi ni Gandhi, “Be the change you wish to see in the world.” Kailangan lang natin ng positibong pananaw sa mga bagay at dahil dito, magagawa nating posible ang imposible🙂

  6. Angela Joy Go said,

    sang-ayon ako sa sinabi mo, espesyal ang Pilipinas, ang mga mamamayan nito ay nangangailangan ng espesyal na pamamalakad at hindi lamang panggagaya sa ibang bansa…mayroon tayong sariling pangangailangan na hindi matutugunan ng gamot na para sa iba


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: