October 13, 2009

Jerome – Bugtungan

Posted in education reform, Philippine Education at 5:52 pm by updced

          Bugtungan

jerome

Sa totoo lang nakakalito ang sistema ng edukasyon sa atin. Ewan ko kung sa Pilipinas lamang ba yun nangyayari.

            Biruin nyo, ang mga nagdedesisyon ng polisiya sa edukasyon ay hindi man lang naging guro, supervisor o principal.

            May “kasabihan” nga tayo na “The customer is always right.” Sino ba ang customer sa edukasyon? Hindi nga ba mga estudyante ang customer? Ang kanilang katuwang ay walang iba kungdi ang mga magulang nila’t guro.

            Kung gayon, bakit natin hahayaang ang mga pulitikong ganid sa kapangyarihan ang magdesisyon sa kung anong wika, anong libro o anumang sistema ang gagamitin sa pag-aaral?

            Oo, alam ko, may sasagot sa inyo na maalam ang mga pulitiko sa batas. Pero sino ang mas nakakaalam ng dapat gawin sa edukasyon, ang mga mag-aaral ba at guro sa loob ng eskwelahan o ang mga pulitikong nasa loob ng senado’t kongreso at nagsasagutan dahil sa kurapsyon na ginawa ng isa’t isa.

            Sino ang mas dapat gumawa ng pananaliksik sa larangan ng edukasyon, ang mga gurong may hawak ng record ng “strengths” at “weaknesses” ng kanyang estudyante o ang mga pulitikong ang hawak ay survey ng kasikatan nila?

            Sino ang mas dapat gumawa ng pagbabago sa sistema ng pag-aaral, ang mga estudyante na direktang nakikinabang sa edukasyon o ang mga trapong/pulitikong mas nakikinabang pag eleksyon?

            Subalit paano tayo lilikha ng pagbabago kung hindi natin alam ang mali?

            Paano natin malalaman ang mali kung hindi tayo nag-iisip?

            At, paano tayo mag-iisip kung ayaw nating mag-isip?

            Kaya naman pipilitin ko kayong mag-isip sa pamamagitan ng isang laro.

            Ito ay tinarawag na Bugtungan. Alam nyo na yon. Malalaki na kayo.

            Ang isang bugtong ay maaaring maraming sagot. Maaaring iba-iba ang kasagutan nyo. Ang clue lang, lahat ng sagot ay konektado sa edukasyon.

1A) Hindi pari, hindi hari, Nagdadamit ng sari-sari.  (sampayan)

1B) Hindi titser, hindi estudyante, Sa edukasyon, syang nasusunod palagi.  (                     )

 

 

2A) Buto’t balat, lumilipad (saranggola)

2B) Buto’t balat, nag-aaral

           

3A) Dalawang batang itim, malayo ang nararating. (mata)

3B) May nunal na itim, ang edukasyo’y inililibing.

 

4A) Hindi sa akin, hindi sa iyo, pag-aari ng lahat ng tao. (mundo)

4B) Hindi sa mayaman, hindi sa pulitiko, karapatan ng lahat ng tao..

 

5A) Tag-ulan man at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal (manok)

5B) Tag-ulan man at tag-araw, sa oras ng klase ay kulang.

 

6A) Malayo pa ang sibat, nakanganga na ang sugat (bibig)

6B) Malayo pa daw ang eleksyon, nakanganga’t walang paki sa edukasyon.

 

7A) Mataas pag nakaupo, mababa pag nakatayo. (aso)

7B) Mataas pag Filipino, mababa pag Ingles ang turo.

 

8A) Naligo si kaka, hindi nabasa (dahon ng gabi)

8B) Pumasok si kaka, hindi marunong magbasa.

 

9A) Napupuno’y di nasisidlan, nakukulangan ay di binabawasan (tubig ng niyog)

9B) May badyet di dinadagdagan, nkukulangan ay walang pinaggagamitan.

 

10A) Binili ko ng salapi, itinapon ko ang kalahati. (tulya)

10B) Binili ko ng salapi, wala akong matutunan kahit kalahati

3 Comments »

  1. kbfranco said,

    tama ka, kaeskwela! Sang-ayon ako sa iyong pinupunto. Ngunit hindi ba ma tamang sabihin na mas alam nila (ang mga puitiko) ang mali kaysa tama, dahil sa kung alam nila ang mali, hindi na nila iyon gagawin. Pero dahil sa hindi nila alam ang tama, di nila iyon ginagawa. Puro mali. At ang pinakanakakaawa sa lahat, ay walang iba kundi mga mamamayan.

  2. kbfranco said,

    …nga pala ang reaksyong ito ay mula sa iyong kaeskwela, Kimberly Franco. =))

  3. Angela Joy Go said,

    dapat talagang pairilin and ‘the customer is always right’ sa sistema ng ating edukasyon…kangga’t hindi isinasapuso ng mga lider ang tunay na daing ng mga estudyante, kakarampot lamang ang matatama nating kaunlaran


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: