August 26, 2009

Gail – Sa pananaw ng isang “bata”

Posted in Uncategorized at 7:46 pm by updced

Ako noon...

Oo, naging isa ako sa mga taong walang pakialam sa nangyayari sa edukasyon ng Pilipinas. Sa tingin ko ang ibang Pilipino ay katulad ko din o mas angkop sabihing katulad ng isang “dating ako”. Para sa ating lipunan, ang edukasyon ang ating tanging pag-asa upang makaahon sa kahirapan. Kaya naman marami ang nagsisikap mapaaral lamang ang kanilang mga anak. Ngunit atin ng nakalimutang tingnan at suriin ang edukasyong natatangap ng mga kabataan.  Mayroong mga mahihirap na magulang na nagpapaaral ng mga anak, halimbawa, ang tanggap lang ng tanggap sa nakikita nilang sistema at hindi na nila kinukwestyon ang mga naging practices ng mga paaralan. Sa kanilang isip, “Ako’y isang hamak na mahirap lamang naman. Tutal mas marurunong naman ang nagpapatakbo ng paaralan. Bakit ko pa kailangang problemahin iyon eh ang dami ko nang problema.” Mayroon namang mga nasa kapangyarihan ang nakakita ng mga mali sa sistema ng edukasyon ngunit hindi nila ito binibigyan ng masyadong pansin. At dahil dito, ang mga maling gawain simula pa noong panahon ng mga Kastila ay napanatili at mas lumala pa ngayon.

Sa dinami-dami ng problema ng sistema ng ating edukasyon aabutin tayo ng siyam-siyam kung ating iisa-isahin ang mga ito. Ngunit aking tatalakayin ang ilan sa mga ito. Magsimula tayo sa ating mga guro.

Pagpili ng kurso

Hindi man lahat ngunit ilan sa ating mga guro ay pinasok lamang ang propesyon na iyon dahil wala na silang makuha pang kurso. Base sa aking mga nakita noon, pinipili nila ang kursong Education dahil:

a)      Dito lamang sila nakapasa.

b)      Ito lamang ang alam nilang kurso na madali DAW

c)       Ito daw ang kursong tumatanggap ng estudyante kahit ano pang edad nya

d)      Sabi ng magulang

Akala ko noong ako’y nasa unang baitang ng elementarya hanggang sa ikaapat na taon sa high school ay mataas ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga guro. Ngunit nagbago ito ng nakita ko ang ibang mga papasok sa kolehiyong tulad ko. Kung piliin nila ang kurso ay akala mo’y pumipili lamang ng minatamis sa tindahan. Nabanggit naman ng isa kong kaibigan mula sa College of Education na may ibang mga estudyante ang naglalagay lamang ng kursong Edukasyon sa kanilang UPCAT form upang makapasok lamang sa UP at pagkatapos ng isang taon ay lilipat na sa ibang kurso. Dahil sa pagtingin na ito sa propesyon ng pagtuturo, walang passion ika nga ang mga guro sa kanilang ginagawa. Magtatapos sila sa kolehiyo at magiging guro ng wala sa kanilang puso. Kung ang mga nagiging guro ngayon sa atin ay kulang sa kakayahan paano nila matuturuan sa isang epektibong paraan ang mga kabataan na siyang magiging mga doktor, abogado at lider ng bayan sa hinaharap?

Sitwasyon sa mga paaralan

Sitwasyon sa mga paaralan

Bukod sa problema natin sa mga guro, nais ko ding talakayin ang isang isyu na ngayon lamang sa kolehiyo ko nalaman: ang paggamit ng mother-tongue bilang medium of instruction sa paaralan. Naging malalim ang impact ng usaping ito sa akin dahil dalawang klase ko ang tumatalakay ng kahalagahan ng paggamit ng ating sariling wika, ang Fil40 ko sa ilalim ni Ms. Vina Paz at ang Educ100 ko naman sa ilalim ni Mrs. Ched Arzadon.

Paggamit ng sariling wika sa pagtuturo

Sa comic strip sa taas, pinapakita hindi lamang ang nagiging epekto ng paggamit ng ibang wika sa pagturo sa ating mga mag-aaral kundi ang hindi din magandang paraan ng pagtuturo. Nagiging memorization na lamang ang nangyayari sa mga paaralan at dahil dito konting iba lamang sa anyo, hugis o porma ng mga bagay-bagay ay hindi na nila alam kung ano ang mga ito. Napag-aralan ko sa dalawang klaseng aking nabanggit na ang paggamit ng sariling wika sa pag-aaral at sa iba pang larangan ay mas epektibo dahil ito ang ating kinalakihan at ginagamit na wika sa pang-araw-araw. Mas nagiging praktikal at kapakapakinabang ang mga natututunan sa mga paaralan kung ito ay alam ng kabataan na gamitin sa sariling wika. Kung hindi makikita ng mga kabataan ang gamit ng kanilang mga napag-aaralan sa buhay, ito’y hindi malilinang at bagkus ay magiging dayuhan para sa mga mag-aaral. Ang paggamit ng sariling wika rin ay isang hakbang upang unti-unti tayong tumungo sa pagiging isang bansa na lumilinang sa sariling wika gaya ng tinahak ng Malaysia, Indonesia at iba pang bansa sa Asya.

ako :)

-Gail Rose Anne C. Egar

2008-03398

7 Comments »

  1. pichieriuzen said,

    Napagsabihan ako minsan ng isang kakilala nung sinabi ko kung saan ako magsishift. Sabi niya, “Educ lang? Dapat di ka na nag-UP.”

    It is quite ironic that most people view teaching as a very noble profession, and at the same time view it as something “lower” than other courses.

    -Richie Vesagas;2006-63756

    • updced said,

      I cannot agree more. Teachers have to be the best to produce the same quality of students.
      -Theresa Hufana

  2. updced said,

    Our country is really in a dire need for competent and dedicated teachers, those who shall really focus their efforts in their work. But the sad truth of economic stability is really causing these teachers to flee for “greener pasture” abroad. But hey, we can’t blame them, right? If we were in their shoes, we would do the same thing just to make our families better off. But, although we are attracted to better salaries, we should still consider that there are still some opportunities here in our own motherland that could help us sustain our families, and at the same time serve and educate the next Filipino generation. Also, there’s no better feeling than fulfilling what you must do, of trying your best to serve for the betterment of everyone. That must be the commitment of every teacher.

    Nuqui, John Stephen M.
    08-36101, BS Econ, UPSE

  3. updced said,

    As far as I’m concerned, I look up to teachers who are selflessly offering their service to the future of our country. Behind every successful person is a passionate, dedicated and loving teacher who taught him how to battle life’s cruelties. BS Education is not just some course of last option. Education majors should be proud that someday, they would become heroes too just like their present heroes..

    Sheena Joyce Bautista-Angeles
    2003-70395, BSE BIOLOGY

  4. 07-41881 said,

    tulad mo, naging malaking impluwensiya sa akin si Pof. Vina Paz sa pananaw ko ukol sa “language policy” sa sistema ng edukasyon sa bansa. Kung iisipin, wala pa man ang MLE sa kongreso; ang paggamit na ng wikang mas pamilyar sa atin –wikang Filipino partikular ang Tagalog at sinasabi nating vernakular– ang takbuhan ng mga maraming mga guro upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin sa eskwelahan. Nakakadismaya na may ilang mambabatas na pilit itong kontrahin gayong ito ay kabilang na sa status quo ng edukasyon sa Pilipinas. Ang pagpapatupad ng MLE ay isang hakbanging isiusulong upang pagtibayin ang kung anumang mayroon na tayo, na hindi rin naman natin maitatangging malaking tulong at epektibo para sa karamihan.

    Bukod pa rito, sa aking pag-aaral ng English 100 sa ilalim ni Prof. Ma. Corazon Castro aming natalakay na kung nais mong matuto ang bata higit na mahalagang pagtibayin ang kanyang “first language” dahil ito ang magiging “take off point” niya sa pagkatuto ng iba pang wika. Ito ay isang magandang punto sa pagtuturo halimbawa ng wikang Ingles.

    Kaya tulad ng sulating ito, suportahan natin ang MLE. Ito ay hakbang upang maipakita at mapatunayan ang impluwensiya ng kultura sa larangan ng edukasyon.

    07-41881
    BA Psychology

  5. updced said,

    Honestly, we’re just the same before- we didn’t care about the importance of education in one’s life. Most of us always take things for granted until the time that we’ve learned the essence of it. Through taking Educ100, and as we’ve learned the state of education in the Philippines, we are now more aware and sensitive of what’s happening in our country. Thus, learning to give importance to it.

    Joana Marie B. Frias
    2007-02789, BS CE

  6. updced said,

    tama!
    I agree!!..hindi dapat minamaliit ang mga guro,kasi kung walang guro na magtyatyaga sa mga mag-aaral na iniiwan ng mga magulang sa paaralan, ehd paano na lang sila?
    hindi dapat nila”LANG” ang mga guro..:)
    malaki kaya ang naitulong nila sa atin,hindi naman kasi puro sariling pagsisikap ang pag-aaral,malaki rin naman ang kaalaman ang naibahagi nila.

    Hugo Joan R.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: