August 30, 2009

Alex – Alternatives

Posted in Philippine Education at 7:09 pm by updced

A diploma defines a person’s status in the society. Without it, a person can be considered as nothing more than a savage. Sad, but true. Who can apply for a decent job without, at least, a high school diploma? No one. But with only about less than 20% graduates in our Philipine records, how does the 80% of our “unschooled” people get work? There is one quick solution: fake the diploma and become an instant graduate of the school of our choice. It is a very despicable solution, and yet, when one is desperate and needs to feed his and his loved one’s stomachs, it might be the only way.

Poverty is a major problem and our government launches programs to create mor jobs for the Filipinos as a reaction to it. But, maybe, it is not the solution. There may be a lot of available job vacancies but there may not be a lot of “educated” people suitable for it. And I believe that the solution lies right there.

I am quite amazed to learn about non-formal and informal types of education, and I believe that it is the key to a more progresive country. We should not strongly rely on formal schooling to educate our people. There are many ways to learn, appropriate for one’s learning styles, and these could be used for the betterment of our educational system. TESDA’s programs are as such. Their alternative ways for education is much recommended for those who cannot afford or is unsuitable for normal schooling.

Just a few days ago, I saw a poster of TESDA’s programs and scholarships. It is a good start to publicize and let the public know about these alternatives, and yet it is not good enough since the poster involved politics. Nevertheless, Filipinos should know about them because it will greatly help them in their education status.

If I were to go back in time and had taken alternative path of education that is being introduced today, I believe that I had made use of my years more wisely. Quality education does not necessarily mean more years of education. It can be achieved with best resources, adoptability to learning techniques, love of knowledge and passion for learning.

Gene Alexis Vizcarra

August 29, 2009

What can my anger do?

Posted in Philippine Education at 11:53 am by updced

This is just a story I want to share to people who are concerned.

My husband is a contractor just like his father who already owns an AAA construction company. He works for his father and at the same time he makes his own business transactions with different people. He constantly searches for projects on roads and infrastructures. When he is interested in a certain project, he would submit a letter of intent and upon series of evaluation and approval, there will still be a sort of “bidding” that’s going to take place. The company which could come up with the lowest cost of the project gets it. BUT THAT’S NOT REALLY THE CASE.

When you want to get a project, you ask directly from the source of the fund i.e. senator, congressmen, governor, secretary and even from the president. They are the ones deciding on where funds should go. They are also the ones deciding to whom they would give the project. So how would they choose the contractor? Not based on the quality of their previous projects, not on their credentials, not on how skillful and intelligent they are but on how high the “STANDARD OPERATING PROCEDURE” they could give to the politician. We all know what this “SOP” is right? Money / cold cash; new car; luxurious items; expensive trips and holidays. What happens to the other company who is bidding for the project? They would be given a certain percentage of the approved budget of the project and they would back away, as easy as that.

No wonder why the quality of our roads and infrastructures is becoming worse. Big percentage of the original cost of the project goes to the pocket of our leaders. What can contractors do? They work on the budget left but making sure also that they get compensated for their hard work. They are just businessmen working for their families.

Just recently this year, Senator Bong Revilla Jr. sent funds for a certain district DPWH in Tarlac. One project is the construction of a school building. Because of connections, my husband got hold of the project. The approved budget for the project estimates to about 1M pesos. I asked my husband how much will he be spending for the total operation of the project based on the approved blueprint. He said that it would only cost him 300,000.00 pesos. Where would the 700k go? We all know where it would go. To Senator Panday and people connected to him who deals with the contractor. How does the school building look like? Dimensions of the room are less than the standards set up by the Department of Education. There is not electricity setup. Walls are not painted. There will be no ceilings for insulation. I can imagine how uncomfortable students will be when they go to that school. How can they concentrate and focus? It’s just a school building. If they can cheat on the school building, they can also cheat on facilities, materials, and competency of undercompensated teachers.

Now tell me who is to blame for the degrading educational system of the Philippines? I always feel enraged when I think of these things. But what can I do? I have no place in the society unlike those political leaders who manipulates just almost everything in our country. All I can do is write all my disgust and loathing to them through this blog. But I know that there is hope. As I’ve said, change should start in us. We should have the initiative to take the first steps in healing this country. What can we do? That’s for us to find out.

S.B.

August 28, 2009

Maelani- Isang Espesyal Na Bata

Posted in Philippine Education at 3:17 pm by updced

Grade Four na si Koy-koy. Kung titignan mo “sya sa malayuan, masasabi mong wala namang problema sa batang ito. ‘Yun nga lang, kahit sino ay mapapansin ang payat niyang katawan at maputlang mukha sa malapitan. At kung makakausap mo siya, lalo mo pang makikita at malalaman kung ano ang problema.

Madalas magsalita si Koy-koy nang mag-isa. Madami siyang sinasabi, napakadami. Lahat ng salita ay malinaw mong mauunawaan pero lahat din ng iyon ay masasabi mong walang katuturan; mahilig din siyang makipaglaro sa ibang mga bata. Pero pagkatapos ng ilang minuto, magsisimula siyang magsawa sa laro at makikipag-away na siya sa mga bata sa hindi malamang  mga dahilan. Sa tatlong taon naming pagtira sa aming tahanan sa Cainta, naging gawain ko na ang pagmasdan si Koy-koy. Minsan ay naaaliw ako, pero madalas ay awa ang nararamdaman ko para sakanya.

Sa kanilang walong magkakapatid, pang apat si Koy-koy. Mag-isa silang itinataguyod ng medyo may edad nang ina na hiniwalayan ng kanyang asawa. Hindi ko na siguro kailangan pang ilahad ang masalimuot na buhay ng mag-anak dahil ang sentro ng aking atensyon ay ang napaka espesyal na batang si Koy-koy.

Sa lahat ng pagkakataon na napagmasdan ko siya at sa lahat ng mga katangian na nakita ko sakanya, mayroon lang akong isang bagay na pianagtatakahan– bakit kaya takot siya sa ulan?

Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na alamin ang sagot  sa tanong kong ito. At laking gulat ko na ang dahilan pala ng batang si Koy-koy ay napaka simple ngunit napaka lalim– PAG-AARAL.

“Kulang-kulang yang si Koy-koy. Matalino sana pero hindi namin kayang ipasok sa espesyal school. kaya ipinasok ko nalang sa public school kahit saling-pusa lang.”, yan ang paliwanag ng kanyang ina nang minsan ko siyang naka kuwentuhan tungkol sa bata. At tungkol sa ulan, madalas daw sabihin ng kanyang ama kay Koy-koy na may dalang lason ang ulan na tutunaw sa mga batang hindi nag-aaral.

Naitanim na iyon ng bata sa kanyang isipan kaya natatakot siya sa tuwing bumubuhos ang “may lasong” ulan sapagkat alam niya na hindi siya talagang pumapasok sa paaralan upang mag-aral. Oo, pumapasok siya sa isang pampublikong paaralan ngunit naroon lang siya sa isang sirang upuan sa likuran, walang naiintindihan sa mga nangyayari sa loob ng silid-aralan, at madalas ay nagsasalita na lamang mag-isa. At kapag nagsisimula nang lumakas ang boses niya, pinagagalitan siya ng guro at pinalalabas ng silid upang hindi makagulo sa mga “normal” niyang estudyante.

Matalino si Koy-Koy. Alam na alam niya ang tunay niyang kalagayan sa kinikilala ng marami bilang “paaralan”. Nauunawaan niyang hindi siya talagang nag-aaral. Kaya ganoon na lamang ang takot niya na matutunaw siya sa tuwing bubuhos ang “mapanlasong” ulan.

Nang maunawaan ko ang dahilang ito ni Koy-koy, naging inspirado akong maging guro. At hindi man Special Education ang major na aking pinili, nasa isip ko pa rin palagi ang batang ito.

Nakakalungkot lamang isipin na karamihan sa mga estudyanteng SPED ang kinikuhang major ay pagpunta sa ibang bansa upang kumita ng mas malaking halaga ng pera ang iniisip. Nakakalungkot din na maraming mga guro ang walang konsiderasyon sa mga batang katulad ni Koy-koy; hindi nila naiintinihan na iba ang mga pangangailangan ng  batang ito. At ang pianaka nakakalungkot sa lahat, iilan lang ang mga paaralang nagbibigay ng pribilehiyong makapag-aral ang mga batang may mga kapansanan o diperensiya sa pag-iisip. At ang mga iilan pang  paaralang ito ay mga komersyalisadong institusyon na hindi kakayaning bayaran ng mga batang katulad ni Koy-koy.

Ilang libong Koy-koy pa kaya ang nagkalat sa Pilipinas at nakakaramdam ng takot sa tuwing bubuhos ang ulan? Napakadami siguro nila na maituturing na matatalino “sana” ngunit hindi kayang magbayad upang makapag-aral.

Nakakalungkot ngunit ang totoo ay isa ang isyung ito sa mga bagay na hindi masyadong binibigyang-pasin sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas. Napaka daming mga diskusyon o argumento hinggil sa mga bagay-bagay tungkol sa edukasyon,ngunit napaka bihirang mapag-usapan ang kalagayan at kapakanan ng mga “special children” kung tawagin.

Isa lang akong tinig na umaasang mapansin din ang kalagayan at edukasyon ng mga batang Koy-koy sa Pilipinas. At umaasa rin ako na darating ang panahon na hindi na mararanasan din ni Koy-koy ang tunay na PAG-AARAL at makakamtan ang tunay na EDUKASYON. At sana, dumating ang panahon na hindi na siya matatakot na maligo, kasama ang ibang mga bata,  sa malamig na ulan.

-Maelani L. Amparo

2008-50234

Mon – Home Is Where The “School” Is

Posted in Uncategorized at 2:55 am by updced

Homeschooling is defined as a “provision of compulsory education in the home as an alternative to traditional public/private schooling – often motivated by parental desire to exclude their children form the traditional school environment” (Education Research Information Center (ERIC), 1999)

Homeschooling has been an alternative in developed countries to formal education. Even though the Philippines is still a developing country and the society is accustomed to the formal education system, homeschooling can prove to be helpful and beneficial to the Filipino child.

A number of parents have already practiced homeschooling. Here are some reasons why they did. Firstly, most parents think they can give better education to their children at home because schools have a poor learning environment. In a Philippine elementary public school setting, it is not uncommon to see a class of 50 students being handled by a single teacher. It is almost impossible for the teacher to teach and supervise her entire class; how much more to make sure that each pupil understands the lecture.

What happens when a commotion starts or when students can’t understand the lesson? Teacher shouts in anger and frustration.  The children’s spirits are crushed and their self-worth is diminished. Exams and grades, which should only be a measure of mastery in the subject matter, unknowingly create fear by being a means of categorizing children and labeling them with grades. Fear and punishment are being used in motivating students to learn.

Numerous studies have proven time and again that homeschooled children outperform their peers and score better than the national average of all students in aptitude and assessment tests in every subject. Homeschooling beats the most expensive, most exclusive private schools money can afford.

Other parents homeschool their children to provide better moral instruction. Parents are the best teachers when it comes to teaching their children the correct values on how to behave properly and accordingly in a society. Moreover, a child is kept safe from drugs, sexual harassment, bullying and negative pressure at home.

Some parents even object at what the school teaches. Some parents feel their children are not given the proper attention or not being challenged enough to learn in schools. A gifted child who is accelerated will feel difficult fitting in. The same is true for students who have special needs, those who have learning disabilities and illnesses. Even normal students who have different learning styles present a teaching difficulty if in large classes.

The final matter to be discussed is the impact of homeschooling in a child’s socialization. In the 1970s, a study published by Raymond and Dorothy Moore concluded that “where possible, children should be withheld from formal schooling until at least the ages eight to ten”. They stated that children are not mature enough for formal programs until their senses, coordination, neurological development and cognition are ready. Forcing children to enter in a formal schooling environment will only bring frustration and pressure to them because of unpreparedness and inability to think rationally yet. Early formal schooling demolishes the concept of “positive sociability”, encourage peer dependence and discourage self worth and respect for parents. Parents, of course, would not want to let their children learn character, morals and manners from their peers who are equally ignorant.

Yes, a child needs to interact and relate with kids of his own age. He needs two or three of them, cousins or neighbors maybe, but not necessarily an entire class of fifty; definitely not eight hours a day for five days a week.

Other factors such as saving time and money in homeschooling compared with sending your child in formal schools and the reinforced relationship between parent and child who studies at home may be included here.  The ability to homeschool a child is only a question of commitment and dedication to the parents. The question on how to manage time and money for homeschooling, however, merits another article.

In the words of John Holt, an American educator and advocate of homeschooling, “I want to make it clear that I don’t see homeschooling as some kind of answer to badness of schools. I think that the home is the proper base for the exploration of the world which we call learning or education. Home would be the best base no matter how good the schools were. ”

- Raymund B. Quiambao

August 27, 2009

Tere – Not Another Band-aid Solution

Posted in Uncategorized at 10:44 pm by updced

Not Another Band-aid Solution
Sources

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=436220

http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090130-186556/5-yr-college-courses-plan-not-yet-final

I have to say I was shocked when I learned that the plan to add one year to tertiary education was never based on any study when there are too many problems to look into that might have been the root cause for the incompetent education system in the Philippines. Was it a big joke? What was their basis? Based on the two articles I read (whose links are provided above), the idea to add one more year to college education was conceived by CHED in its attempt to pattern the Philippine education system after other countries. They say (and which Ma’am Ched also validated) that it’s only the Philippines and one other country that are still implementing a four-year college education program which means we have been left behind. My next question, what is their basis to say that adding one more year will better the performance of Filipino educators and students?

The proposed program which consists of 10 years in elementary and high school, 2 years “pre-university program”, and 3 years specialization as conceptualized by CHED is not a bad idea at all, although it is merely an idea and not a solution. I think the starting point is we have to admit that there is something wrong with the current system. And once we have done that, we can move on to the next step which is to know what the problem/s is/are. These problems are very evident. We cannot deny that most public schools do not have enough rooms to accommodate everyone who wants to go to school. Students share textbooks which are either very old or substandard in terms of content. Teacher quality is not 100% standard because they don’t have access to resources to continue their own learning, and worse, they are underpaid. Many schools do not have complete laboratory equipment needed to study certain subjects. All these and more are observable in every public school I have been to – AND – private schools share almost the same issues, maybe not those that relate to resources and facilities but quality. I consider myself lucky that my parents worked really hard to send me to a very good private school in preparation for my college education. I have seen other private schools which I never dreamt of going to despite being a “private” school. Why? I could easily compare our teachers’ quality and say without a doubt that ours were far better because for one, they, themselves, had good educational background because either they paid a huge amount of money to get into good private schools, or they were one of the very few scholars who were able to get a diploma in reputable public schools. Another is the school, itself, funded the continuous teacher development programs to ensure up-to-date teaching methodologies.

After we have identified the problems, it’s time to think of the root cause for these problems. Well, what do you think? It’s obviously the wrong budget allocation for education and blatant corruption. I do not need numbers to prove this point. I think we can all agree that corruption has always been the Philippine government’s biggest problem. So does this mean we cannot fix the problems anymore because getting rid of corruption or at least minimizing it is almost impossible? I think not. That is where our roles come in as UP students who are supposed to be the “scholars ng bayan”. We, who have been gifted with critical and independent minds, are responsible for the nation’s future by taking part in solving the problems of the present. We need to make a solid and unified stand and take charge of combating the causes for the growing corruption. And I think we can do this without lobbying at the Malacanang. We just have to be aware of what’s going on around us and speak our minds so others will be aware too. And by time we choose our leaders, we are able to make the wisest decisions, because no matter what we do as a nation, we will always role up to our leaders.

Once we have determined the root cause of the problems, it’s time to test our possible solutions. This is the gamble, the experimental period. There are many possible solutions but we can only choose the best and the most efficient. We may fail, but that’s part of the process because everytime we do, we learn.

Once we have identified the best solution, we can evaluate it and see how we can sustain it in the long run. This has been one of DepEd’s, CHED’s, and TESDA’s problems – following through. No matter how great the solutions to our problems are, if they are not sustained, we’ll just end up having the same, if not, worse problems. As for the government, they must also consider the budget for this function.

If we are able to conduct this kind of study, I’m pretty sure we will have a clear sense of direction because no matter how many years we add to education if the quality remains the same, nothing will change. We cannot afford another band-aid solution especially that a lot of Filipino students are under the poverty line. One more year in college may even become another major reason they won’t go to school anymore because they would rather work and earn money than spend another year learning the same things they believe they would on a 4-year program. Let’s not make education a business for school owners, but rather, a social institution that will shape the Filipino learners to become experts in their field.

Why is it that students spend the same amount of time in different schools and yet there is a surprising variance in their success rate? Again, it’s because of quality. Schools are not calibrated in terms of quality because of a number of reasons which we have to deep dive into. There is no shortcut to something both good and lasting. And when I say shortcut, I did not mean time. I meant the amount of effort and commitment the society and the government put on education. We have been working hard for the longest time but how far have we gone? I think it’s about time we work smart.

- Maria Fe Theresa Hufana

Aries – Not as simple as that…

Posted in Uncategorized at 9:36 pm by updced

Standardized exams… What do they mean? Well, these are the exams that show data of the learning of the students for the whole academic year. These exams show the improvement of a certain student.

It all starts from the diagnostic test. This test, from its name implies, it is used to diagnose you of your previous learning. Then, here comes your progress test to measure your learning halfway at the middle of the term and finally, the summative test, the sum of all your learning throughout your year level.

And what do these tests imply? These tests also show the performance of the teacher and thus a better result will also imply his effectiveness in teaching. What more, is that better results imply that the school is a better school than anyone else. And so on… But, isn’t it too intriguing that all these reports have positive results?

For our class, we all know that these results are being manipulated to get a high remark. The most important test is the summative test, and thus, manipulating the results of this test is a very common knowledge and act of the teachers and their superiors. But, at some point, they got stuck at a dead end. Why is that? Because the scores exceed the total number of items if they insist of doing so, if not, it will result to a 100% score.

But what is uncommon to us is that, is that these cheatings start from the diagnostic results. Teachers and/or their superiors, lower the result of the exam to make a great margin of score to accommodate the score for the progress test. And if the progress test results may seem too high then, they again lower this result of the progress test for the same reason as the diagnostic test.

But then again, why are they doing this? Cheating in order to make their image look good? What about the welfare of the students? Are we just going to put that information to them that they are doing well because the school is having positive results on these tests?

Yes, bitter is the taste of the truth if the students know that their results are being altered. But they have all the rights to know what their standing is. Well, if they are doing fairly, then it is good. But, if they are worse that needed some cheating to make their score look good; at least tell them that their score is just this much. And maybe, it will enlighten them that they need to study and work more in order to be better.

Education is not something about the scores; it is about what is learn. No matter how long or hard it may take, it what matters most.

Aries

Mirriam – Tinig ng diplomang sabi mo’y dapat makamit

Posted in Uncategorized at 9:30 pm by updced

Anim na taon sa elementarya. Apat sa hayskul. Apat sa kolehiyo. At sana makapasok sa law school. Ilan lahat? Higit kumulang sa dalawampung taon. Di pa man ako buhay nakatakda nang mamulat ako sa lipunang dinidiktahan na mapasailalim sa edukasyong magsisilbing sandata sa pagharap ng realidad. Sa pagmulat ng aking mga mata; sinundan ng pagbukas ng aking isipan, ang edukasyon ang naging pangunahing pokus. Hindi ko man agad naisip sa unang pagtapak sa eskwelahan, ang edukasyon ayon sa lipunang kinabibilangan, bagamat tila isa o dalawang dekada ka sa loob ng rehas, ay tunay na mahalaga lalo na sa komunidad na matagal nakulong sa ideyang ito bilang tanging daan sa pagkatuto. Naisip ko nga, sapat na ba ito para ako’y masabing edukado? Kung sa pagiging edukado, walang dudang oo. Subalit sa pagkatuto, bahagi lamang nito ang edukasyon na madalas para sa marami ay eskwelahan.

Naguguluhan ka ba sa kung ano ang nais kong tumbukin sa mga salitang inilapat ko sa paunang talata? Di ba’t kayhirap tukuyin sa dami ng aspetong dapat talakayin ang mensaheng nais kong iparating? Malinaw na maraming kailangang pagtibayin, linawin, baguhin, at solusyunan sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. At kung konteksto ko man ang tatanungin, ang hangad kong diploma pa rin ang nais mabigyang pansin.

Nakatuntong man ako sa kolehiyo. Iska man kung ako ay tawagin, masakit pa ring aminin na wala pa ring kasiguraduhan ang paglapat ng diplomang matagal ko ng pinagtatrabahuhan dahil na rin sa sabi ng lipunan. Ang makapasok sa national university ay isang karangalan para sa marami. Higit itong kapuri-puri dahil sa pagtustos ng mga kapwa mo Pinoy sa edukasyong ating tinatamasa. Ang pamahalaan at ang unibersidad na nagsisilbing instrumento para sa katuparan ng libreng edukasyong pinagpapapawisan ng ating mga kababayan para sa mga kabataang tulad ko. Aminin natin, marami sa atin ang tila hindi na maramdaman ang pagpasan sa ating mga iskolar ng bayan. Galing ka man sa UP o iba pang state college/university, iisa ang hinaing natin.

Ako mula sa UP at ang aking mga kapatid mula sa state college; tatlong kaming pinapag-aral ng sambayanang Pilipino. Subalit sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan, na inaasahan sana naming hindi magiging problema ng pamilya, ay isa na rin sa pinakamabibigat na pasanin naming ngayon. Sa patuloy na pagtaas ng matrikula, pagdagdag sa mga iba pang bayarin tulad ng lab fees at miscellaneous fees, ang inaasahang pampublikong institusyon na siyang magsisilbing tahanan ng karunungan para sa mga higit na nangangailangang kabataang papasok sa kolehiyo ay higit na pumapabor sa mga ‘ika nila ay ‘afford’ ang edukasyong may kalidad.

Nanatiling tikom ang bibig ko sa mga bagay na tulad nito dahil na rin sa pagpabor sa akin ng STFAP, na nagbibigay ng financial assistance sa mga talagang nangangailanagan, ng Unibersidad ng Pilipinas. Pero paano naman ang mga mag-aaral na hindi napagbibigyan ng mga sangay na tulad nito? Nang tignan ko ang pinakahuling listahan para sa resulta ng STFAP, mabibilang mo sa iyong mga kamay ang mga taong hindi pagbabayarin ng kahit ano para sa kanilang pag-aaral. At kung titingin ka naman sa paligid, naglipana ang mga magagarang kotse at mag-aaral na talaga naming masasabi mong nakakaangat sa buhay. Tila unti-unti na ngang naisasapribado ang dapat sana’y pampublikong unibersidad ng bansa.

Hindi ko nais iparating na walang karapatan ang mga mayayaman at ‘middle class’ sa mga state universities. Iyon ay isang kapalaluan. Higit kong binibigyan ng pansin ang dapat sana’y libreng edukasyon at ang karapatan natin sa kalidad ng edukasyon.

Isang kaibigan ang ngayon ay tinatamasa ang scholarship sa Ateneo de Manila University — ang paaralang pinili niya sa kabila ng kanyang pagpasa sa UP, kanyang dahilan? Kalidad ng edukasyon at pampinasyal na kaluwagan. Sa kasalukuyang halaga ng edukasyon sa UP at ilan bang pampublikong paaralan, ang bigla at labas na pagtaas ng matrikula ang nagtutulak para sa mga potensyal na dekalibreng guro, doktor, inhinyero, abogado upang ipagpaliban muna ang pagpasok sa kolehiyo, o kaya’y pumasok sa mas maliliit na eskwelahan, o tuluyan ng ‘wag mag-aral.

Akin at ating nauunawaan na kailangan din naman gawin ang dagdag na bayad kapalit ng dekalidad na edukasyon subalit kailangan nating masusing pag-aralan kung paano ito maisasagawa. Upang lalo pang palakasin ang isang institusyon kinakailangan ito ng ‘funding’ upang maipagawa ang mga pasilidad, mapaghusay ang mga guro sa pamamagitan ng muling pagbabalik-eskwela, at marami pang iba. Gayunpaman, nananatili ang katotohanan na ang edukasyon ay isang karapatang dapat sana ay walang katapat na halaga.

Kay UP President Erlinda Roman at sa UP Board of Regents, hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ang biglaan pagtaas ng matrikula sa unibersidad na umabot pa sa 300%. Una, bakit kailangang ganito kalaki ang itataas? Marahil ay hindi nga sapat ang suportang nakukuha natin mula sa gobyerno upang ipatupad nila ito. Subalit, bakit kailangang isang bagsakan ng pagpapahirap sa mga mag-aaral at aming mga pamilya? Sa aking personal na pananaw, tamang itaas ang mga bayarin ngunit hindi sa paraang labis na mabibigatan ang bawat isa. Kung ang mga puntong ito ay hindi sapat upang mapagbago ang desisyong ito, isang konsultasyon man lang sana sa mag-aaral ang isinagawa. Inisip ba nila na hindi lamang ang magprodyus ng mga dekalidad na ‘workforce’ ang kanilang layunin, higit dito sa kanila nakaatang ang responsibilidad na matulungan ang mas higit na nangangailangang populasyon ng mga Pilipino? Sa maaling salita, insip ba nila kung sinong populasyon ang dapat sana’y naging sabdyek ng kanilang pagdedesisyon? Nawa’y wag mabahiran ng komersalisayon ang edukasyon dahil muli ito ay karapatang hindi kailanman dapat alisin sa bawat isa.

Naisip sana ng mga taong nagtulak at nagpasinaya ng TOFI na tulad ko, tulad natin, pinangarap din nilang makamit ang diplomang matagal nilang pinaghirapan. Wag sanang ipagkait sa ating lahat lalo na sa mga maliliit na tao ang pagkakataong umunlad. Wag sanang ipagkait ang diplomang sinasabi ng lipunang mahalagang kamtan ng bawat isa. Wag sanang ipagkait ang pangarap kong makatapos ng pag-aaral at magpaaral ng katulad kong nangangailangan. Pakinggan ang tinig namin na minsa’y naging tinig niyo rin.

2007-41881

BA Psychology

Joan – Papasok Ka Ba?

Posted in Uncategorized at 1:49 pm by updced

Sa Pilipinas, maraming kabataan ang nakararanas magsulat at magbasa sapagkat sila ay nakakapasok araw-araw sa paaralan na nagsisilbing naring kanilang pangalawang tahanan. Sa bawat paguwi mula sa paaralan ay marami silang inuuwing mga bagong kaalaman na kanilang natamo mula sa kanilang mga butihing guro. Minsan pa ay kanilang ibinibida sa kani-kanilang mga magulang ang mga parangal na kanilang natamo. Ang mga magulang naman ay lubos na nagagalak sa husay na ipinamamalas ng kanilang mga anak.

Hindi ba’t ang ganitong eksena ay sadyang kaasam-asam?

Ang ganitong eksena ay pinapangarap ng bawat Pilipino ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na halos karamihan sa mga kabataan ay hindi nakakapasok sa paaralan dahil sa samutsaring kadahilanan. Isang halimbawa na lamang nito ay ang  sobrang kahirapan. Maraming kabataan ang hindi nagagawang makapasok sa paaralan sapagkat pinipili nilang tulungan ang kanilang mga magulang na maghanap buhay upang may pang-tawid gutom sila sa araw na iyon o hindi naman kaya ay hindi na sila magawang pag-aralin ng kanilang mga magulang sapagkat sila ay maraming magkakapatid sa pamilya. Isang kadahilanan din ay may ilang pampublikong paaralan na humihingi ng maliit na halaga upang ipang-ambag sa kung tawagin ay “Samahan ng mga Guro at mga Magulang.” At sa kadahilanang hindi nila magawang magbayad o magabot ng ambag ay mas pinipili pa nila na hindi na lamang papasukin ang kanilang anak sapagkat ang ipambabayad nila doon ay ipangkakain na lamang nila. Hindi ba’t ang karunungan ay mas higit pa sa kayamanan? Ngunit paano ka naman mag-aaral kung wala naman laman ang iyong tiyan?

Sa Pilipinas, ang ating gobyerno ay may ginagawang paraan upang tugunan ang ganitong uri ng suliranin. Ito ay sa paraan na kung tawagin ay “Alternative Learning System o ALS” na kung saan ang mga kabataan na hindi magawang makapasok sa paaralan ay nagkakaroon ng pagkakataon na matuto kung papaano magbasa at magsulat. Sa paraang ito maging ang mga matatanda na hindi marunong magbasa at magsulat ay nabibigyan din ng pagkakataon na matuto kung paano magsulat at magbasa at kung minsan pa ay sa paraang ito narin sila natututo kung papaano ang magbilang. Sa ALS ang mga guro ang siyang lumalapit sa kanilang mga estudyante. Sila ang naglalakabay patungo sa lugar na kanilang pagtuturuan sa halip na ang mga mag-aaral ang siyang papasok sa paaralan. Sa ALS maraming matatagpuan na huwaran na mga guro sapagkat ang mga gurong ito ay hindi iniinda ang anumang hirap na kanilang dinadaanan upang maturuan ang maraming Pilipino na hindi nagagawang makapasok sa paaralan.

Hindi ba’t dapat nating ipagmalaki ang ganitong uri ng mga guro?

Nakakatuwang isipin na may ganito palang naisip na solusyon ang ating gobyerno sapagkat nakakahiya mang aminin ay mas lantad ang mga kakulangan nila sa pagtataguyod ng edukasyon. Ang mga halimbawa ng mga kakulangang ito ay maaring makita sa mga pampublikong paaralan.  Isang halimbawa nito ay may mga pampublikong paaralan kasi na hindi sapat ang mga upuan para sa mga mag-aaral sapagkat sa sobrang dami ng kanilang bilang, kung kaya ang mga upuan na para sa dalawang bata lamang ay lima na ang mga batang nagsisiksikan dito para lamang sila ay makaupo. Sa sobrang dami rin ng bilang ng mga estudyante sa isang silid-aralan ay hirap na ang mga guro na bigyan ng nararapat na edukasyon ang mga kabataan. Sa halip na isang guro para sa tatlumpung mag-aaral ang nasa loob ng isang silid aralan ang nangyayari ay isang guro para sa animnapung mag-aaral kung kaya ang kinakalabasan ay pagod na ang guro, kaunti pa ang mga leksyon na maibibigay niya para sa mga mag-aaral sapagkat kailangan ding pamahalaanng mabuti ng guro ang kanyang animnapung estudyante. Isa pang halimbawa ay ang kakulangan ng mga supply ng mga materyales para sa mga guro na kanilang gagamitin sa kanilang pagtuturo. Ang mga materyales na ito ay sadyang kailangan ng mga guro sapagkat hindi lahat ng mga mag-aaral ay pare-parehas ang paraan kung paano sila natututo.

Kung ikaw ang mag-aaral na makakaranas ng mga  ito, ikaw ba ay mahihikayat pa na pumasok sa paaralan?

Hugo,Joan R.

JAM – AKO ANG SIMULA.

Posted in Uncategorized at 1:34 pm by updced

Pagkatapos ng aking ika-18 kaarawan, marami kaagad ang nagtanong sa akin ng “nakapagparehistro ka na ba?”

Eleksyon na nga naman kasi- isang panibagong pagkakataon para sa ating mga Pilipino upang maghalal ng mga piling kandidato na sa tingin ng karamihan ay makapagpapaunlad sa ating bayan. Ano ba ang kanilang mga hakbang na gagawin upang mapagtagumpayan ang mga problemang kinakaharap ng ating bayan sa kasalukuyan? -bilang isang botante, ito ang isang basehan na dapat kong isipin kung sino nga ba ang karapat-dapat kong iboto sa susunod na halalan.

Edukasyon- isa sa mga malalaking problema na kinakaharap ngayon ng ating bansa; isang aspeto na nararapat lamang na pag-ukulan at bigyan ng pansin ng mga kakandidato upang malapatan ng wastong solusyon. Hindi ba’t nakamamanghang isipin na kabaliktaran ng lagay ng edukasyon dito sa ating bansa sa kasabihang, “Edukasyon ang susi sa tagumpay.”?

Paano nga naman natin mapagtatagumpayan ang mga naglalakihang problema tulad ng kahirapan, katiwalian, krimen at kakulangan ng hustisya dito sa ating bansa kung ang susi pala nito ay problema rin palang hinaharap natin sa kasalukuyan?

Ano pa nga ba ang kakulangan ng ating gobyerno kung bakit hindi masolusyunan ang paulit-ulit at lumalalang problema ng edukasyon dito sa Pilipinas? O mas madali na lamang bang sagutin ang tanong na, may ginagawa ba talaga silang hakbang upang bumuti ang kalagayan nito?

Kakulangan ng paaralan sa buong kapuluan ang pangunahing problema ng edukasyon dito sa ating bansa. Libo-libong kabataan ang naglalakad ng anim hanggang pitong kilometro araw-araw upang makapunta lamang sa pinakamalapit na paaralan sa kanilang lugar. Nakalulungkot isipin na napakaraming Pilipino ang dumaranas ng ganitong paghihirap araw-araw sa pag-asang dito nila makakamtan ang edukasyon na kakailanganin nila sa pagharap sa buhay sa mga darating pang mga panahon. Kasing layo rin ba ng mga paaralang ito ang pangarap ng ating kabataan na magandang kinabukasan sa hinaharap?

At sa pagtungtong sa iyong paaralan, hindi ba’t masakit isipin na sira-sirang silid-aralan at mga kagamitan lamang ang sasalubong sa iyo? Mas malala pa kung ang hinahangad mong edukasyon matapos ng iyong paglalakbay ay hindi rin pala maibibigay ng wasto dahil walang guro na maaaring maglaan sa’yo ng mga impormasyong kinakailangan mo. Kakulangan sa mga guro, silid-aralan, at kagamitan para sa mas mahusay na pag-aaral ang sumasalamin sa tunay na kalagayan ng edukasyon dito sa ating bansa.

Ano nga ba ang magagawa ng isang karaniwang taong katulad ko upang mapabuti ang estado ng edukasyon sa aking bayan? Nararapat bang iasa na lamang ang lahat sa ating gobyerno na sa mga nagdaang panahon ay walang nagawa upang masolusyunan ang mga problemang ito?

Sa darating na eleksyon, makagagawa tayo ng malaking hakbang upang mapaglabanan ang lumalalang kalagayan ng ating edukasyon- sa pamamagitan ng pagpili sa mga tamang tao na nararapat nating iboto.

Naniniwala ako na hangga’t may mga taong nagnanais na bumuti ang kalagayan ng bansa, may pag-asa pa na mapagtagumpayan ang kinakaharap nating mga problema. Sa ating mga sarili natin tayo magsimula-

AKO ANG SIMULA.

Joana Marie B. Frias

2007-02789

:)

Kurt – An Amusing Note…

Posted in Uncategorized at 10:28 am by updced

While reading the highly educational Evil Overlord List (can be found here, read it, it’s really funny), I noticed this entry:
100. Finally, to keep my subjects permanently locked in a mindless trance, I will provide each of them with free unlimited Internet access.

Makes you wonder about why UP is splurging to provide free W-Fi and relatively cheap internet access…

There’s also this from the same list:

109. I will see to it that plucky young lads/lasses in strange clothes and outlander accents shall regularly climb some monument in the main square of my capital and denounce me, claim to know the secret of my power, rally the masses to rebellion, etc. That way, the citizens will be jaded in case the real thing ever comes along.

That explains why so many students keep advocating actions against the government… they’re desensitizing us!

But here’s the entry that both gives me hope that we’re not being put under the heals of a thinking Evil Overlord (which would be bad), but ARE under the control of a lousy one:

191. I will not appoint a relative to my staff of advisors. Not only is nepotism the cause of most breakdowns in policy, but it also causes trouble with the EEOC.

S# 05-78675

Next page

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.