March 27, 2010
DKP!
Limang Bagay na dapat gawin para magkaroon ng matinong Philippine Educational System
- Huwag salubungin ang mga pasahero sa MRT. Dahil katulad ng sabi ng driver, “Hindi natin sila kamag-anak.”
- Maniwala sa kasabihang ; HUWAG TUMAWID NAKAMAMATAY
- Tanggapin na may mga bakla sa mundo.
- Sabihin DKP kaysa na OMG. Gamitin ito sa pangungusap Hindi ba astig? Alam mo ba nanalo ako sa Lotto! DKP! DKP!
- Tama na ang pagpuna sa suso ng ating pangulo.
Anong kinalaman ng mga ito sa Edukasyon sa bansa?
Una: Disiplina. Ang mga Pilipino sa MRT naguunahan. Wala tayong konsepto ng matanda, buntis, bata. Mangudngod ka man walang pakialamanan basta makasakay sa tren. Painitan pa ng ulo. Nanulak na nga malakas pa ang loob mag-taray.
Ganito rin sa Edukasyon. Unahan sa pagkamit ng tagumpay, mapa-diploma man o perang kinikita. Magkatrabaho lang wala ng pakialam tungkol sa mga iba pang mahahalagang bagay na sanay natutunan nila sa higit kumulang labing-apat na taong pag-aaral tulad ng critical thinking at innovation.
Buti na lang may mga taong kahit naitulak na at nasaktan di pa rin nagsusungit. Minsanmay naitualak na dilag at tinanong siya ng nobyo niya, “Hon, ok ka lang?” Sagot niya:
Basta nariyan ka, ok lang ako (sabay yakap) (kinilig naman ako).
Ikalawa: Respect. hindi marunong rumespeto ng patakaran ang mga Pilipino. Sinabihan na ngang nakamamatay ang pagtawid, sige pa rin sa pag-pandanggo sa kotse. Hindi na pinahalagahan ang buhay.
Parang sa edukasyon, sinabi na nga ng mga eksperto ng edukasyon na ito ang makabubuti para sa karamihan, sige pa rin ng sige sa paggawa ng mga batas na walang inisip kung hindi mga paraan upang kumita ng pera at hindi ang kapakanan ng mga mag-aaral na silang kinabukasan ng bayan na ito. Hindi tayo marunong rumespeto sa mga kinauukulan. Sabagay kahit naman ang mga kinauukulan walang tunay na respeto sa mga eksperto sa iba’t ibang larangan.
Ikatlo: Open Mindedness. may mga bakla sa mundo at hindi na sila mawawala kaya dapat tanggapin ang ideya na ito. Nililinaw ko lang na hindi ko kayo pinipilit na tanggapin ang mga bading kung hindi tanggapin lamang ang ideya na mayroong mga bading.
Parang sa edukasyon. Buksan ang mga isipan. Walang iisang paraan upang matuto.Maraming maaring subukan. Huwag basta basta gayahin ang sistema ng ibang bansa sapagkat hindi nangangahulugang ang isang magandang sistema ng ibang bansa ay magiging makabuluhan para sa ating magkakababayan.
Ika-apat: Self-identity. DKP! DKP! Hindi Ingles ang kasagutan sa kahirapan! DKP! DKP!
Hindi Ingles ang basehan ng karunungan at katalinuhan. Hindi sa iisang wika nakasalalay ang kinabukasan ng bansa. Panahon na para bigyang halaga ang konsepto ng pagiging Pilipino gaano man kahirap ipaliwanag. Panahon na para unawaain na ang bawat kultura, bawat indibidwal, bawat tao, ay may kani-kaniyang pangangaialangan sa edukasyon.
Ika-lima: Accoutability. Tantanan na ang suso at sukat ng taas ng pangulo.
Parang sa edukasyon, sisi tayo ng sisi sa burokrasya ng Kagwaran ng Edukasyon. Subukan naman nating tignan ang ating mga sarili at isiping mabuti kung paano tayo magiging mas epektibong mga guro o mag-aaral. Naghihirap ang Pinoy hindi dahil may mga abusong makapangyarihan kung hindi dahil sa pagtuturuan at katamaran magsimulang kumilos. Matatanda na tayo, aminin naman natin ang ating mga pagkukulang.
Kung mayroon man isang tumatak sa akin mula sa EDUC 100: Philippine Educational System, iyon ay noong minsan akong pinaalalahanan ng isang tagapagsalita na dapat kong paghiwalayin ang aking konsepto ng imposible at ng mahirap
Never equate the difficult with the impossible.
Kaya naman , hindi ko na sasayangin pa ang panahon sa pagpuna ng mga mali sa ating sistemang pangedukasyon. Sa halip, tutularan ko si James sa librong James and the Giant Peach ng magaling na manunulat na si Roald Dahl kung saan sinabi niyang:
Those buildings, these lights, this whole city! Somebody had to dream about it first…
Magsisimula na akong mangarap para sa ating edukasyon. Magsisimula na akong kumilos para mas lumapit sa realidad ang mga pangarap na ito. Marami pa akong dapat pangarapin at gawin. At kung hindi man mangyari ang akong pangarap para sa mga bata ng bansang ito, hindi ako mawawalan ng pagaasa at mangngarap na may magpapatuloy sa pagnanais na makamit ang isang magandang sistema ng eduakasyon para sa lahat ng Pilipino.
DKP! Masaya to! DKP!