March 27, 2010
Taglishera Sina Jose at Maria
Paminsan, nalulungkot ako kapag gusto kong magsulat kasi nahihirapan akong i-express ang sarili ko nang diretsong isang lenggwahe lang ang ginagamit. Tagalog kung Tagalog, Inggles kung Ingles. Pero tulad ng maraming Pilipino, I am caught between the two. So now I’m writing in Taglish. Nakaka-frustrate.
Sabi ng teacher ko noong high school, “If you are asked in English, answer in English. Kapag tinanong ka sa Tagalog, sagutin mo sa Tagalog.” In short, ‘wag mong pagsamahin ang dalawa sa isang diskurso. Ngunit bilang produkto ng kolonyalismo, hindi maipagkakait na maging sa paggamit ng ating sariling wika ay mahina tayo. It is because we are not trained to master even our own language. We mix English with Filipino or we try so hard to speak in English but do not end up articulating our deepest and most intellectual thoughts because we still, for a fact, think in Filipino. And this frustration is passed on, again and again, to the next generations.
Napapalaganap ang ganitong practice hindi lamang sa pang-araw-araw nating mga buhay kundi sa mismong edukasydong natatamasa natin ngayon. Philippine Education System, what went wrong? Why do we make things hard for ourselves? We require our teachers to use English as the standard medium of instruction pero hindi natin iniisip na baka mali ang maturo nila dahil mali ang kanilang paggamit ng Ingles. Palibhasa kasi’y nagmimistulang isang malaking pabrika ng pekeng Barbie Dolls ang Pilipinas. We focus so much on selling ourselves to other countries trying to be like the foreigners who have a totally different identity. That is why we tend to measure a student’s competency by his ability to speak English.
Tignan na lamang natin ang mga librong pinapagamit natin sa ating mga estudyante. Bukod sa puno ito ito ng mga errors, marami itong konseptong tinuturo na hindi naman akma para sa Pilipinas. Paano naman sila matututo nang mabuti kung hindi naman nila nauugnay ang mga paksa sa pang-araw-araw nilang mga buhay?
Kaya naman I support those who advocate Mother Tongue Based Multilingual Education o MLE kung saan hindi lamang Ingles ang medium of instruction. Hinihikayat din nito ang paggamit ng ating sariling wika, maging ang kanya-kanyang nating mga lenggwahe sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Nakikiisa ako sa mga naniniwalang a person will learn best in the language he/she knows best. Bakit mo nga naman siya pipiliting matuto sa paraang nahihirapan siya? Challenging students is okay but we must first train them to master the basics.
Naniniwala akong maitutuwid hindi lamang ang mga Taglish na pananalita kundi pati na rin ang ideolohiyang nagsasabi na masmatalino ang taong marunong mag-Ingles. At bilang mga guro, dapat manguna tayo sa hakbang na ito patungo sa pagbabago. We must not let colonialism continue to devour what is left of our identity. Kaya’t magsimula tayo sa ating mga sarili, ituwid ang mali at ‘wag nang turuang mag-Taglish sina Jose at Maria.